kiem tien, kiem tien online, kiem tien truc tuyen, kiem tien tren mang
Sunday, October 26, 2008

Miss Canada is Miss Puerto Princesa City in Miss Earth 2008 swimsuit competitionBy BOY VILLASANTA, abs-cbnNEWS.com 10/26/2008 7:28 PMPuerto Princesa City , Palawan—Idinaos kaninang alas diyes ng umaga ang isang makulay na bahagi ng Miss Earth 2008, ang swimsuit competition, sa Sabang, Palawan , dalawang oras na biyahe mula sa lunsod na ito.Hindi ipinahayag ng mga hurado ang nagwagi sa Pinakamahusay na Pagsusuot ng Swimsuit dahil sa takdang paligsahan sa Miss Earth 2008 pa ihahayag ang panalo na gaganapin sa ika-9 ng Nobyembre sa Clark Expo Amphitheater sa Angeles City .Gayunman, pumili ang mga hurado ng titulong Miss Puerto Princesa City bilang pagkilala sa madulang tanawin ng siyudad na ito.Ang Miss Canada, si Denise Garrido, dalawampu’t isang taong gulang mula sa Bradford, Canada ang nagwagi bilang Miss Puerto Princesa City .Nagkamit siya ng gantimpalang isang libong dolyar ($1000) mula sa pinuno ng lunsod na ito na si Mayor Edward Hagedorn.Walang mapagsidlan ng kasiyahan ang Miss Canada sa karangalang kanyang nakamit.Dumating ang siyamnapu’t isang kinatawan ng mga bansa sa Miss Earth 2008 sa buong daigdig sa siyudad na ito isang araw bago ang swimsuit competition.Pagdating sa paliparan ay nagdaos agad ang buong lunsod ng motorcade ng mga delegado ng bawat bansa.Taliwas sa mga balita na inulan ang timpalak, sinabi ng mga lokal na peryodista ng bayan na ito tulad Ruth Rodriguez na hindi inulan ang paligsahan bagkos ay maaraw ang kapaligiran.Kasama sat impala ang representante ng Pilipinas na si Karla Paula Henry na mula sa Cebu City .Inaasahang magiging makulay ang Miss Earth 2008 hindi lamang sa pagpapamalas ng magagandang tanawin sa buong kapuluan kundi kung paano rin mapangalagaan ang kalikasan na isa sa mga pangunahing layunin ng beauty contest na ito.Nag-enjoy ang mga kinatawan sa pamamasyal at pag-ikot para sa mga opisyal na gawain ng timpalak.Ililipat ni Jessica Nicole Trisko, ang Miss Earth 2007 mula sa Canada, ang kanyang korona, sa karapat-dapat na contestant sa ikawalong taon ng paligsahan.as of 10/26/2008 7:33 PM

0 comments:

Post a Comment

domain, domain name, premium domain name for sales

Popular Posts